Saturday, December 10, 2011

Buhay Tomasino, Viva Santo Tomas!





Alam naman nating lahat na ang edukasyon ay isa sa mga hindi matutumbasang kayamanan natin sa buhay. Ang pagpili ng unibersidad/paaralan ay ang simulang guhit patungo sa landas na edukado, importante at kritikal ang bahaging ito sapagkat dito itinatanim ang  sisidlan ng kinabukasan at kabuhayan ng isang estudyante. Bilang isang estudyante, lalong lalo na ang mga magsisipagtapos pa lamang ng hayskul ay dapat nang maging wais at mitikuloso sa pagpili ng magagandang unibersidad/paaralan dahil dito nila bubuuin ang kanilang matatag na pundasyon.
Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng edukasyong mura ngunit dekalidad at dito sa Pilipinas, mayroon tayong tinatawag na “Big 4”, ito ay pinapangunahan ng UP, Ateneo, La Salle at UST. Ang bawat unibersidad na nabanggit ay may kanya kanyang prestihihyo at galing sa paghulma ng magagaling na estudyante sa ating bansa. Base narin sa Quacquarelli Symonds Asian University Rankings (2011), pasok ang “Big 4” sa Top 200 universities in Asia na kung saan pang 62 ang UP, pang 65 naman ang ADMU, pang 104 ang UST at pang 107 naman ang DLSU. Isa na itong pagpapakita at pruweba na may ibubuga naman talaga ang Pilipinas sa larangan ng edukasyon.

Sa bawat naturang unibersidad, may kanya kanyang tatak at stiryotipong imahe ang bawat estudyanteng nagaaral dito. Halimbawa sa UP, siyempre alam ng lahat na ang mga taga-UP ay ang mga “Iskolar ng Bayan” inshort “Iska”, masasabi nating matatalino at magagaling LAHAT ng mga taga-UP. Sa Ateneo naman, kapag sinabing Atenista, unang pumapasok sa isipan natin ay ang “Matalino pero Elitista”, “Mayaman pero Mayabang”, o kaya “Boss”, kung sususmahin, ang isang Atenista ay may tinatagong yabang sa kanyang sarili dahil ito ang kultura ng kanyang pamantasan. Kapag sinabi namang Lasalista, ay “Mayamang Bobo”, “Mayabang na Elitista”, at mga “Maarte at lagi nalang Pumaparty.” Ang mga Tomasino naman ay sabi nila, maka-diyos, “halo-halo ang social structures ng mga estudyante” at patungkol sa unibersidad, ito ang pinakamatandang unibersidad sa Asya na may mahigit “400 taon” nang pamamalagi dito sa bansa.

Pagtuunan natin ng pansin ang huling unibersidad na nabanggit, ang UST. Basehan ng ganda at prestihihyo ng isang unibersidad ang estudyanteng hinuhulma nito at nagaaral dito. Bukod sa pasilidad, propesor at gusaling mayroon ang isang unibersidad, pinaka importanteng kasangkapan padin ang estudyanteng nag aaral dito. Ayon sa “Strategic Indicators:  Measuring and Improving University Performance (2011)” ng Pennsylvania State University, “student performance” ang isang dahilan kung bakit maunlad at produktibo ang isang unibersidad. Nakasaad din sa manuskrito na ito na ang “Mission at Vision” ng isang unibersidad ay malaki ang pinanghahawakang kredibilidad sa pagunlad nito. Nagbigay ang manuskritong ito ng standard at “guidline” kung ano ang pwede at dapat ng “Mission at Vission” ng isang unibersidad. Ang standard na ito ay ang SMART GOALS, ito ay S  -  specific, M – measurable, A  - achievable, R  -  relevant, T  -  time-based. Ang UST, kung mapapansin natin, ay patuloy na umuusbong at lumalarga pataas. Isa sa dahilan kung bakit ang UST ay nasa itaas ay dahil pasok na pasok ang “Mission at Vision” ng UST sa tamang standard at ang mga layunin ng UST ay ang makagawa ng isang komunidad na “Maka-diyos, Maka-Tao, Maka-bayan, at Maka-kalikasan”. Isa pa rito ang ay maraming pinagkakaabalahang mga Gawain sa labas ng bansa, hindi lang dahil ika-400 taon na nila bilang isang bulwarka ng edukasyon kundi ito talaga ang planong itinakda nila para sa kinabukasan ng UST. Mayroon silang sariling Akronym para sa TOMAS, at maihahambing ito sakanilang SMART GOALS, ito ang: T – Training and Education for Capacity Building, O – Organizing for Empowerment, M – Management for Program Development, A – Advocacy, Research, and Documentation, S – Spirituality of Transformation. Ang standard na itinalaga ng UST ngayon ay nagpapakita ng kasiguraduhan at maliwanag na hinaharap para sa unibersidad.

Walang kwenta ang plano kung walang implementasyon kung kaya’t aming sinuri kung alam at may malay ba ang mga estudyante sa mga palatuntunan at aktibidades ng kanilang unibersidad. Pumunta kami ng UST at nagsaliksik, sarbey at suri para makapagkalap ng tamang impormasyong makatutulong sa amin mahinuha ang sagot. Base sa aming sarbey, na may 41 na piling estudyante na may iba’t ibang social group at kurso, 97.56% ng aming sinarbey ay may malay at alam na ang UST ay may sinasaad na workshops, community engagement, social-welfare services, company alliances, loob at labas man ng bansa. Ayon din sa datus na nakalap namin ay hindi malayo sa katotohanan ang binitawang salita ng UST na ngaung taon na ito nakikita nila na sila ay magiging sentro ng kaalaman sa maraming programa at pagtuturo, kilalanin sila sa mga mahahalagang sector at parte ng kaalaman at pananaliksik sa Agham, lider sa mga “community services” at pagpapalawak ng social network nila at magiging sentro ng Contextualized Theology dito sa Asya. Tinitignan din nito na ang UST ay magiging isang pisikal na presensya hindi lang ditto sa Manila kung hindi sa buong mundo, at magiging mas ramdam ito dahil sa kanilang patuloy na lumalagong komunidad at “network” na nakakatulong makipagsapalaran sa iba’t ibang unibersidad at institusyon sa Pilipinas.
Sa sports naman, hindi nagpapatalo ang UST. Kasali ang UST sa pinakabigating liga ng mga unibersidad sa pilipinas, wala nang iba kundi ang UAAP. Ang UAAP board of records (2011) ay sinabing ang UST ang may pinakamaraming bilang ng pangkalahatang kampyonato sa lahat ng laro ng sports, mapa Basketball, Volleball, Football, etc. Ang team ng UST ay ang UST Growling Tigers na kung saan ngaung taon ay pasok sila sa final four. Siguro naman ay mapapansing basketball ang pinaka naalagahang team sa isang unibersidad. Tatlong rason ito kung bakit, una ay ang basketball ay laganap at sikat na sikat dito sa pilipinas, pangalawa ay ang basketball ay televised na kung saan lahat ng publiko ay pwedeng pwedeng makanuod nito at ito ay isang porma nang advertisement ng school o isang publication para makilala ang school. Pangatlo, kapag malakas ang team ng basketball, dadami ang makakaalam ng school na iyon at ito ay nakakahimok ng mga estudyanteng mag-aral sa partikular na unibersidad. Ang UST ay may kabuuang 40 na championship na at sila ang may pinaka maraming Kampyonato sa buong liga at isa ito sa mga paktor kung bakit madami ang may alam sa UST at ganoon nalang ang pinanghahawakang pangalan ng UST sa Atletika.

            Nakapagpanayam ako ng ilang atleta sa Unibersidad ng Sto. Tomas at nakapagkalap ako ng mga iba’t ibang saluobin at kuro kuro na makakapagsabi ng kung ano ang sistema ng Sports Development nila. Ayon kay Jerald Rivera, Varsity Team B ng Basketball, napakaganda at napakaayos ng sistema ng UST ayun nga lang hindi siya perpekto. Hindi siya perpekto dahil ang transparency kung paano pumipili at nagdradraft ng mga players ay masasabing malabo. Ramdam ang kultura ng Pilipino na “Palakasan” na kung may kilala ka sa loob ay madali ang makapasok. Ito lamang ang butas ng kanilang sistema ngunit maayos din naman dahil malalakas din naman talaga ang pinipili ng UST ayun nga lang mayroon ding malalakas na iba na hindi nakakapasok sa drafting nila. Alagang alaga ka pag ikaw ay nasa UST, normal na estudyante pa lang alagang alaga na, players pa kaya. Sabi din nya, na may sariling condo, parking, kotse, at gadgets ang mga players sa UST na kung saan ito ang nagtakda ng prestihyo ng kanilang sistema.

            Nakasaad sa Student Handbook ng UST na ang mga Atleta at Varsity ay may ilang exemptions sa akademika. Binibigyan sila ng importansya, alaga at prioridad para mabawasan ang hirap nila sa akademika. Pwede silang kumuha ng units na mas mababa sa naturang unit ng normal na estudyante. Ang normal na estudyante ngaun ay may 15 minimum units, kung player o varsity naman ay pupwedeng mag 12 units per term, nasa tao na iyon kung susundin nya ito pero kadalasan naman sa UST ay hindi na nila ito ginagawa sa kadahilanang gusto rin nila grumaduate on time.
Ang pagiging Isang TOMASINO ay higit pa sa pagiging isang tao, hinuhulma ka ng UST at inilalabas ang pinaka potensyal mo bilang isang estudyante. Higit pa sa samahang kaibigan at asawa ang samahan ng mga TOMASINO, na kung saan ito ang mayroon sa kanila na wala ang iba. Walang makakapagsabi, sa 10 taon na lilipas, ay baka nasa pangalawa o panguna na ng mga rankings ang UST dahil sa sistema nitong maayos at talagang edukado.
-Kebet Libo-on



No comments:

Post a Comment